Liderato ng NBI ipinagmalaki ang halos 300 operasyon ng ahensya ngayong taon
Umabot na sa halos 300 operasyon ang naisagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon,
Ito ang ipinagmalaki ni NBI Director Dante Gierran sa pagdiriwang ng ika-83 anibersaryo ng Kawanihan.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Gierran na kabuuang 294 na operasyon ang matagumpay na pinangunahan ng NBI sa loob ng sampung buwan ngayong 2019.
Mula sa nasabing operasyon, umabot sa 747 ang naarestong indibidwal na sangkot sa ibat ibang kaso mula sa Cybercrime hanggang murder.
Inihayag pa ng NBI Chief na mula naman sa mga nadakip nila dahil sa iligal na droga, anim ang nahatulan na ng Korte kabilang ang ilang Chinese nationals.
Binalaan din ni Gierran ang mga kriminal na huwag lokohin ang NBI dahil may kalalagyan ang mga ito.
Sinabi rin ng opisyal na hindi siya magdadalawang isip na paimbestigahan at sampahahan ng kaso ang mga tiwaling ahente at ang mga magiging masiraan o anay sa buong ahensya.
Samantala, ginawaran din ng NBI ng pagkilala ang mga natatanggi nitong mga ahente at kawani tulad ng outstanding agents, special investigators at operating units at loyalty awards para sa mga empleyado na apatnapung taon nang nanilbihan sa NBI.
Ulat ni Moira Encina