Liderato ng Senado , dismayado sa pag-abswelto ng DOJ Task force kay Health Secretary Duque sa Philhealth Anomaly

Dismayado si Senate President Vicente Sotto III sa isinumiteng report at rekomendasyon ng doj  kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng ginawang imbestigasyon sa anomalya sa philippine health insurance corporation.

Itoy matapos absweltuhin ng task force  sina health secretary francisco duque at senior vice president for legal sector Rodolfo Del Rosario

Giit ni Sotto, nakakagulat na di kasama sina Duque at Del Rosario samantalang malinaw sa ilalim ng article 217 ng revised penal na may dapat silang panagutan sa ipinatupad na kwestyunableng Interim Reimbursement Mechanism o IRM.

Pero naniniwala si sotto na magbabago ang desisyon ng  Ombudsman na  hindi iniaasa ang kanilang imbestigasyon sa findings ng mga task force.

Meron anyang moto propio power ang Ombudsman para imbestigahan ng kusa ang isyu ng katiwalian laban sa mga opisyal  at tanggapan ng pamahalaan.

Umaasa si Sotto na may mas magandang perspektibo ang ombudsman sa mga panibagong anomalya sa PhilHealth.

Matatandaang sa naaprubahang report ng senate committee of the whole kabilang sa pinakakasuhan sina Duque at del Rosario kayat labis na ipinagtataka at ikinadismaya ni Sotto na hindi sila kabilang sa mga inirekomenda ng doj na kasuhan.

Meanne Corvera


Please follow and like us: