Liderato ng Senado, nakipagpulong kay Chinese President Xi Jinping

Maglalagay na rin ang China ng Maritime mechanism o Liason sa pagitan ng Pilipinas.

Ito’y para agad maresolba ang mga isyu at girian sa pagitan ng dalawang bansa partikular na sa pinag-aagawang West Philippine sea.

Ayon kay Senate majority leader Juan Miguel Zubiri, sinabi ito ni Chinese President Xi Jinping sa halos isang oras na meeting  sa mga lider ng Kamara at Senado.

Sinabi ni Zubiri focus ng Maritime mechanism na magkaroon ng Sea of Friendship at  Cooperation sa pagitan ng dalawang bansa at maiwasan na ang mga kaso ng pangha-harass ng mga Chinese coastguard sa mga mangingisdang Pinoy.

Inamin naman ni Zubiri na hindi nila inungkat sa pakikipagpulong kay President Xi ang arbitral ruling ng United Nations sa West Philippine sea.

Mas pabor aniya kasi sila sa isinusulong na peaceful solution para sa kapakanan ng mas maraming Pinoy sa halip na makipagbanggaan sa isang makapangyarihang bansa.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *