Liderato ng Senado, nanindigan na mandato nito ang pag-canvass ng mga boto
Hindi maaaring amyendahan ng TRO ang nakasaad sa Saligang Batas.
Ito ang iginiit ni Senate President Vicente Sotto III sa harap ng petisyon sa Korte Suprema na ipatigil ang canvassing ng boto at proklamasyon ni presumptive president Bongbong Marcos Jr.
Nangangamba si Sotto na maaaring na magkaroon ng krisis kung pipigilan ang Senado at Kamara na tuparin ang mandato nito sa ilalim ng Konstitusyon.
Tanong ni Sotto, sino ang magka-canvass ng mga boto sa pagka- presidente at bise-presidente at magpuproklama ng mga nanalo matapos ang Hunyo 30?
Aniya importanteng petsa sa Kongreso ang Hulyo 25 at hindi maaaring walang pangulo o pangalawang-pangulo sa Hunyo 30.
Dahil dito, binigyang-diin ni Sotto na hindi puwedeng marebisa ang nakasaad sa Saligang Batas ng isang TRO.
Madelyn Moratillo