Liderato ng senado sumulat sa PNP para payagang makadalo sa mga committee hearings si Senator de Lima
Hiniling ng liderato ng senado sa Philippine National Police na
payagan si Senator Leila de Lima na magsagawa ng mga committee
hearings sa loob ng PNP custodial center.
Nakasaad ito sa sulat na ipinadala ni Senate President Vicente Sotto
kay PNP Director General Oscar Albayalde.
Sinabi ni Sotto na hindi pa natatahulan si de Lima kaya dapat itong
payagan na magawa ang kaniyang mandato sa pamamagitan ng pagsasagawa
ng hearing sa mga panukalang napending sa kaniyang komite.
Sa kaniyang sulat, sinabi ni sotto na binibigyan nya ng otoridad si de
Lima, bilang chairman ng senate committee on social justice, welfare
and rural development na talakayin ang mga panukalang batas gaya ng
ginawa noon ni dating senador Antonio trillanes.
“As the Senate President, I am giving Senator De Lima full authority
to discharge her duties as chair of the committee, particularly to
conduct and personally preside over its hearings”
Ilan sa mga panukalang nakapending sa komite ni de Lima ang magna carta
of the poor, magna carta of daycare workers, emergency volunteer
protection act, social welfare and development agencies act at rural
employment assistance program.
Tiniyak naman ni Sotto na susunod ang senate contingent sa mga umiiral
na internal rules at regulations ng pnp at magkakaroon ng sapat na
koordinasyon bago ang pagdaraos ng hearing.
Ulat ni Meanne Corvera