Life Coaching
Magandang araw sa lahat ng ating kapitbahay! Kumusta na po kayo? Marami mang mga problema dulot ng pandemya, huwag po tayong padadaig, lilipas din ito, huwag na huwag tayong susuko, maging positibo ang ating kaisipan, ang ating pananaw sa mga bagay-bagay.
Kung magmamasid tayo sa paligid masasabi natin na mas mapalad pa rin tayo. Kaya nga, huwag tayong mawawalan ng pag-asa. O siya, dito na tayo sa ating napiling paksang pagkukuwentuhan, narining n’yo na ba ang terminong life coaching o life coach?
Nagtanong tanong tayo at nagsaliksik na rin tungkol dito. At narito ang ilan sa mga nakuha nating impormasyon. Ang life coaching ay partnership ng isang kliyente at isang professional coach para makatulong na maabot ang mga pangarap. Magkaron ng clarity at maabot ang goals sa buhay.
Maimprove and performance at productivity ng isang tao o negosyo. Sa mga kumpanya, nagha hire sila ng ‘coach’ para matulungan ang mga empleyado na makaagapay sa ilang mga sitwasyon lalo na kung may mga pagbabago o transition sa kumpanya teka muna, iba ang life coach sa mentoring. Ang mentor kasi ay may expertise habang nagtuturo samantalang sa coaching, naniniwala ang coach na ang tinuturuan ay may sariling kakayahan at kayang gumawa ng sariling solusyon kaya lang ay hindi ‘clear’ sa kanya.
Sa coaching, you guide a person to realize the potentials of an individual. Iba rin naman ang counseling, dahil ito naman ay nagpapayo. Sa life coaching coach ay nagga guide para mailabas ng tao ang kanyang galing, kaya ang feeling of winning or success ay tumataas.
Ang coach ay nagpa facilitate lamang sa madaling salita. Sabi nga sa kahulugan ng life coach, it is a type of wellness professional who helps people make progress in their lives in order to attain greater fulfillment.
At ilan sa mga sikat na life coach ay sina Susan James, Bob Doyle, Esther Hicks at marami pang iba. Maging dito sa Pilipinas ay marami na ring life coach. So, at least ngayon ay may idea na rin kayo kung ano ang life coaching at life coach. Until next time!