Lifelong Learning, kailangang gawin ng mga nasa twilight years upang maiwasan ang Alzheimer’s disease, ayon sa mga eksperto
Maaaring magkaroon ng iba’t-ibang uri ng sakit o karamdaman ang isang tao kabilang na ang Neurodegenerative disease na Alzheimer’s o mas kilalang Senile dementia.
Sa mga nasa twilight years na, sila ang karaniwang dinadapuan ng nasabing sakit.
Ayon kay Dra. Socorro Martinez, isang neurologist, hanggang sa kasalukuyan ay wala pang natutuklasang gamot laban sa alzheimer’s disease.
Ngunit may paraan naman upang hindi dapuan ng nasabing sakit.
Dapat daw na laging ini-exercise ang utak at ang pinakamagandang prevention umano ay ang tinatawag na Lifelong learning.
Dra. Ma. Socorro Martinez, Neurologist, SLMC
“Ibig sabihin buhat sa pagkabata hanggang sa tumanda ka, sige sige ang pag-aaral mo hindi ka titigil dahil ang challenge talaga sa utak ay mga bagong kaalaman. Hindi yung paulit-ulit na kaalaman na nadiskubre mo nung bata ka pa”.
Tungkol naman sa dapat na kainin, mainam daw na ang ihahain ay ang mediterranian diet na kinapapalooban ng gulay, cereals ngunit hindi matamois, oil na ang kanilang inirekomenda ay ang olive oil o vegetable oil o anumang mataas sa unsaturated fats at nuts gaya ng pili nuts.
Maaari din namang kumain ng karne ang mga nasa twilight years pero katamtaman lamang dahil ito ay kailangan din naman ng kanilang katawan.
Binigyang-diin pa ni Dra. Martinez na kung ang katawan ay malusog, ang utak naman aniya ay magiging malusog din kung kaya mahalaga na nag-eehersisyo, 30 minuto sa loob ng isang linggo.
Ulat ni Belle Surara
=== end ===