Ligtas na blood supply ng bansa, mahalagang bahagi ng anumang healthy system – ayon sa WHO

 

Nakakolekta ang bansa ng mahigit na isang milyong blood units ng supply ng dugo kaugnay ng blood donation program ng Department of Health o DOH.

Kaya naman, kinilala ng World Health Organization o WHO na isa itong  tagumpay ng DOH.

Katuwang naman ng DOH sa blood donation programa ang Philippine Red Cross, Philippine Blood center at iba pang NGO na nakikipagtulungan sa kagawaran ng kalusugan.

Nakamamangha umano ang tagumpay dahil sa sistema ng pagkolekta o paglikom ng dugo.

Ito ay dahil boluntaryo ang donasyon at walang bayad na kapalit ang ipinagkaloob na dugo.

Samantala, tema sa taong ito ng blood donation program ay  “Share life, Give blood“.

Binigyang diin pa ng WHO na isang mahalagang bahagi ng anumang health system ang ligtas na blood supply at kinakailangan upang makamit ang universal health coverage.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *