Likurang bahagi ng sumadsad na eroplano ng Xiamen Air, naiangat na

]
Nai-angat na ang likurang bahagi ng Xiamen aircraft na sumadsad sa runway ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA kaninang madaling araw.
Ayon sa Civil Aviaition Authority of the Philippines o CAAP,  ginawa ito para mailabas ang bagahe ng mahigit 100 pasahero sa Aircraft compartment.
Mapapagaan din aniya ang eroplano kaya mas mapapabilis ang recovery operations.
Inamin naman ng CAAP na maaring madelay ang pagtanggal sa sumadsad na eroplano dahil sa masamang lagay ng panahon.
Kailangan ring tiyakin na walang nag leak na gasolina bago masimulan ang recovery operations
Sa ngayon hindi pa makumpirma ng CAAP ang dahilan ng pagsadsad ng eroplano.
Binigyan naman ng pagkain, kumot at accomodations ang mga pasahero na naapektuhan ng sumadsad na eroplano.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *