Lima patay, matapos bumagsak ang isang helicopter sa Cuba
HAVANA, Cuba (Agence France Presse) – Lima katao ang nasawi sa Cuba matapos bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter, habang patungo sa lalawigan ng Holguin sa Guantanamo na nasa silangan ng isla.
Ayon sa armed forces ministry, tumama ang helicopter sa isang burol na ikinamatay ng limang kataong lulan nito.
Kaugnay nito ay bumuo na sila ng isang komisyon para imbestigahan ang sanhi ng aksidente. Subalit wala nang ibinigay na iba pang detalye o pagkakakilanlan sa mga nasawi.
Ang huling grabeng air accident na nangyari sa Cuba ay noong May 2018, nang bumagsak ang isang eroplano matapos mag-take off mula sa Havana airport, na ikinamatay ng 112 katao at isa naman ang nakaligtas.
Sa ginawang imbestigasyon ay natuklasan na may pagkakamali sa kalkulasyon ng weight at center of gravity ng naturang eroplano.
Samantala, walong Cuban military personnel naman ang namatay noong April 2017, matapos bumagsak ang sinasakyan nilang Russian-made aircraft sa ,abundok na bahagi ng western region ng Artemisa.
Liza Flores