Lima, Peru niyanig ng 5.5-magnitude na lindol
Niyanig ng 5.5-magnitude na lindol ang Lima at ang isang malaking nakapalibot na lugar dito nitong Huwebes, na ikinaalarma ng maraming lokal na residente ngunit walang agarang ulat ng pinsala o mga nasaktan.
Sa ulat ng National Seismological Center, ang pagyanig ay naitala bandang alas-4:55 ng hapon (2155 GMT), na ang sentro ay nasa 30 kilometro kanluran ng Chilca, isang coastal town sa timog ng Lima, at 49 na kilometro ang lalim.
Sa maraming lugar sa mataong capital area na tahanan ng humigit-kumulang sangkatlo (1/3) ng populasyon ng bansa na may 33 milyon, ang mga tao ay nagtakbuhan palabas sa mga lansangan kabilang ang mga mambabatas na lumabas mula sa kanilang gusali.
Sa Pacific coast ng South America, ang Peru ay taun-taong niyayanig ng hindi bababa sa 400 mga lindol.