Limang araw na paghahain ng COC sa Metro Manila, naging mapayapa – NCRPO
Naging mapayapa sa kabuuan ang naging paghahain ng Certificate of Candidacy sa buong Metro Manila simula sa unang araw hanggang sa last day of filing kahapon.
Ayon kay National Capital Regional Police office Director Gen. Guillermo Eleazar, wala silang naitalang untoward incident sa limang araw ng coc filing sa 16 na lunsod at isang munisipalidad sa Metro Manila.
Umaasa ang NCRPO chief na magiging senyales ito para maging payapa rin ang gaganaping Midterm elections sa 2019.
Bagamat wala pang idinedeklarang election hotspot sa Metro Manila, hindi naman sila tumitigil sa pagbabantay at monitoring.
“Wala tayong hotspot dito, wala rin tayong election watchlist pero ang ating kapulisan ay patuloy na nagmomonitor ngayong nalaman na natin kung sino-sino ang mga kakandidato sa iba’t-ibang posisyon. We can now monitor and assess further para makapaghanda tayo sa halalan”.