Limang araw na Work from Home ni Pangulong Duterte, ipinagtanggol ng Malakanyang
Walang masama sa ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtrabaho ng limang araw sa kanyang bahay sa Davao City.
Ito ang sagot ng Malakanyang sa puna ng kanyang mga kritiko na tila tamad ang Pangulo at naglabas pa ng larawan na nanonood siya ng telebisyon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na minabuti ng Pangulo na mag-concentrate sa kanyang trabaho at ayaw pagambala.
Ayon kay Panelo natambakan ng mga paperworks ang Pangulo dahil nangaling pa ito sa biyahe sa China.
Inihayag ni Panelo na walang sakit ang Pangulo kaya kahit nasa bahay ay nagtratrabaho parin.
Pinabulaanan ni Panelo ang ipinapakalat ng kanyang kritiko na mayroon itong sakit kaya nagkulong sa bahay at hindi nagpakita sa publiko ng limang araw.
Matapos ang limang araw muling nakita ng publiko si Pangulong Duterte noong dumalo ito sa burol ni dating House Speaker Prospero Nograles sa Heritage Park sa Taguig City.
Ulat ni Vic Somintac