Limang illegal vape traders sinampahan ng P1.2- B tax evasion complaint ng BIR sa DOJ
Pormal nang inireklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ng tax evasion ang limang traders dahil sa iligal na pagbebenta ng vape products.
Pinangunahan ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang paghahain ng reklamo laban sa mga respondent na sina Wei Feng Bao alyas Sofi Chua, Christina Poa, Sandoval Severino Briones, Jimy Go, at Bibiano P. Lesaca.
Ayon kay Lumagui, nagkakahalaga ng P1.2 bilyong buwis ang hinahabol ng BIR laban sa respondents.
Ang kaso ay nag-ugat sa mga nasabat na smuggled vape product sa raid ng BIR noong Nobyembre sa Maynila.
Sinabi ni Lumagui na seryoso ang BIR sa paghabol sa mga illegal vape traders at iba pang negosyante na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.
Umapela ang opisyal sa mga nagbebenta ng vape products at sigarilyo na irehistro ang kanilang mga produkto at magbayad ng karampatang buwis upang hindi makasuhan.
Moira Encina