Limang komite ng kamara, nagsanib-puwersa para imbestigahan ang smuggling at cartel sa agricultural products

Courtesy: econgress.gov.ph

Bumuo ang liderato ng kamara ng Quinta Committee o limang pinagsanib na komite, para imbestigahan ang patuloy na kaso ng smuggling at cartel ng agricultural products na nakaaapekto sa food security ng bansa.

Ang Quinta Committee ay binubuo ng House Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Congressman Joey Salceda, House Committee on Trade and Industry na pinamumunuan ni Congressman Ferjenel Biron, House Committee on Agricukture and Food na pinamumunuan ni Congressman Mark Enverga, House Committee on Social Services na pinamumunuan ni Congresswoman Ria Vergara, at House Committee on Food Security na pinamumunuan ni Congresswoman Luisa Claresma.

Sinabi ni Congressman Salceda, na pangunahing layunin ng imbestigasyon ay para matigil na ang talamak na smuggling ng agricultural products, partikular na ang bigas.

Inihayag naman ni Congressman Enverga, na kailangang kumilos ang kongreso kung paano matutulungan ang gobyerno sa pagsawat sa smuggling at cartel ng agricultural products, dahil sa kabila nang nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang Republic Act 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabiotage Act, ay patuloy pa rin ang sindikato ng amuggling at cartel na lalong nagpapataas sa presyo ng mga pagkain.

Ang pagkakaroon ng food security sa bansa ang isa sa pangunahing plataporma ng kasalukuyang administrasyon.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *