Limang manlalaro ng NBA sinuspinde kaugnay ng nangyaring kaguluhan sa loob ng court

Minnesota Timberwolves forward Julius Randle (30) argues a call toward referee Marat Kogut (32) during the third quarter of their game against Detroit Pistons at Target Center, Minneapolis, Minnesota, USA March 30, 2025. Matt Krohn-Imagn Images via Reuters
Sinuspinde na ng National Basketball Association (NBA), ang limang maglalarong nasangkot sa kaguluhan sa pagitan ng Detroit Pistons at Minnesota Timberwolves sa Minneapolis.

Minneapolis, Minnesota, USA; Detroit Pistons center Isaiah Stewart (28) reacts after a fight against the Minnesota Timberwolves during the second quarter at Target Center. Stewart was later ejected from the game. Mandatory Credit: Matt Krohn-Imagn Image
Bawat isa sa limang players ay nakatanggap ng technical fouls at pinaalis na sa game, na pinagwagian ng Timberwolves sa score na 123-104.

Minneapolis, Minnesota, USA; Detroit Pistons forward Ronald Holland II (00) drives towards the basket as Minnesota Timberwolves center Naz Reid (11) defends during the second quarter at Target Center. Mandatory Credit: Matt Krohn-Imagn Images
Sa press release ng pinuno ng NBA basketball operations an si Joe Dumars, nakasaad na ang forward-center ng Piston na si Isaiah Stewart ay pinatawan ng two-game suspension without pay, base sa paulit-ulit nang mga aksiyon na hindi angkop para sa isang atleta.
Ang apat naman na iba pang sangkot sa gulo na pinatawan ng one game suspension without pay ay ang forward na si Ron Holland II, at guard na si Marcue Sasser ng Piston, center-forward na si Naz Reid at guard na si Donte Divincenzo ng Timberwolves.

Minnesota Timberwolves guard Donte DiVincenzo (0) looks on during the first quarter against the Detroit Pistons at Target Center. Mandatory Credit: Matt Krohn-Imagn Images
Ang suspensiyong ipinataw sa Minnesota players ay nagsimula Martes gabi, habang ang sa Detroit players ay Miyerkoles ng gabi.
Ayon sa NBA, nangyari ang gulo nang i-foul ni Holland si Reid sa nalalabing 8-minutes at 36-seconds ng 2nd quarter, kung saan kinompronta ni Reid si Holland na itinulak si Divicenzo.
Lumala ang bangayan nang itulak naman ni Divicenzo si Holland sa dibdib.
Reuters