Limang milyong fingerlings ng ibat’ibang uri ng isda, pinakawalan sa Laguna de bay, kaugnay ng Basil Program o balik sigla sa ilog at lawa.
Sinimulan na ang balik sigla sa ilog at lawa o basil program sa Laguna de bay.
Ang basil ay isang National Program sa ilalim ng Department of Agriculture and Fisheries sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and aquatic resources o BFAR.
Ayon kay DA Secretary Emmanuel Piñol, layunin ng nasabing programa na buhayin ang pitong (7) pangunahing lawa kabilang ang laguna de bay at anim (6) na pangunahing river basins sa bansa.
Binigyang diin ni Piñol napakahalagang buhaying muli o pasiglahin ang mga lawa, ilog at sapa dahil ang mga isda dito ay kakaunti na lamang.
Sinabi pa ni Piñol na ang Laguna de bay ang pinakamalaking lawa sa Timog Silangang Asya.
Tinatayang nasa 90, 000 ektarya ang laki nito na noon ay tinitirhan ng halos dalawang daang fish species.
Sa ngayon, kakaunti na lang ang ayungin at biya na nahuhuli kaya napakamahal nito at mas mahal pa sa karne.
Sa pamamagitan ng basil project ay inaasahang sa malapit na hinaharap ay bababa ang presyo ng mga isdang nabanggit maging ang ibang isda tulad ng kanduli, dalag, karpa na kakaunti na rin ang nahuhuli.
Dagdag pa ni Piñol na malaki ang magiging pakinabang sa mga benepisaryo ng naturang programa.
Samantala, ang basil project ay isang National Inland Fisheries enhancement program na limang taong plano na sakop ang labing tatlong pangunahing lawa at ilog sa bansa.
Bukod sa nabanggit, idinagdag pa ni Piñol na bahagi ng rehabilitasyon ang paglilinis, ang pagpaparami ng mga nangangawalang isda at seeding o paghuhulog ng mga fingerlings ng ibat’ibang species sa lawa, ilog at iba pang inland waters.
Isinabay ang launching ng programa sa ika-119 na anibersaryo ng DA.
Ulat ni: Anabelle Surara
Pangulong Duterte kakausapin si Indone