Limang money service businesses sa Makati City, diniskuwalipika sa pagpaparehistro sa BSP
Hindi na maaaring magrehistro o kumuha ng lisensya sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang limang money service businesses (MSBs) sa lungsod ng Makati.
Sa abiso ng BSP, diniskuwalipika ng Monetary Board ang Sam Money Changer, Tasneem Foreign Exchange (FX) Services, Zhamme FX Service, Junaidi Money Exchange Services, at Marygin FX Services sa pagpaparehistro.
Ayon sa BSP, nabatid na nag-o-operate ang limang MSBs nang walang BSP registration na paglabag sa mga tuntunin ng central bank sa mga non-bank entities na nasa remittance at money changing and/or foreign exchange dealing.
Ang diskuwalipikasyon sa lima ay bahagi ng crack down ng BSP sa hindi otorisadong operasyon ng MSBs.
Moira Encina