Limang Pinoy repatriates mula sa Haiti nakabalik na ng bansa
Dumating na sa bansa ang unang batch ng overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng karahasan sa Haiti.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), boluntaryong hiniling ng lima na sila ay mapabalik ng bansa dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Haiti.
Aabot sa 40 OFWs mula sa Haiti ang nagpahiwatig ng kagustuhang makabalik ng Pilipinas.
Photo: DMW
Tumanggap naman ng agarang tulong at reintegration support ang Pinoy repatriates mula sa pamahalaan.
Nakatuwang ng DMW sa repatriation ang Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration.
Moira Encina-Cruz
Please follow and like us: