Mga tanggapan ng Gobyerno, tinukoy na Graft-Prone agencies ng Task Force Against Corruption
Limang ahensya ng pamahalaan ang inisyal na tinukoy ng Task Force Against Corruption na prone sa katiwalian
Sa memorandum of agreement ng DOJ, COA, at Office of the Ombudsman, sinabi na ang mga ahensya na may mataas na corruption risk ay ang DPWH, Bureau of Customs, BIR, Land Registration Authority, at PhilHealth.
Alinsunod sa kasunduan, magtatalaga ng mga DOJ prosecutors at COA auditors bilang resident ombudsmen sa mga nasabing ahensya para magsilbing watchdogs at implementors ng corruption prevention programs.
Maaari pang maglagay ng resident ombudsmen sa iba pang tanggapan ng gobyerno na matutukoy din na graft-prone.
Una nang nilagdaan ng DOJ, COA, at Ombudsman ang MOA para sa deployment ng resident ombudsmen sa mga ahensya na high-corruption risk.
Moira Encina