Limang taong gulang pataas , pinayagan na ng IATF na makalabas sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ at GCQ
Muling niluwagan ng Inter Agency Task Force o IATF ang mga restriction na ipinatutupad sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine o MGCQ at General Community Quarantine o GCQ.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na pinapayagan na ng IATF na makalabas ang mga batang limang taong gulang pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ at GCQ without heightened restriction.
Ayon kay Roque, maaari ng makapunta ang mga may edad limang taon pataas sa mga parks, playground, beaches, biking, hiking trails at outdoor tourist sites and attraction.
Inihayag ni Roque sa paglabas ng mga menor de edad ay kinakailangang kasama ang kanilang mga magulang o guardian at mahigpit na sundin ang minimum health standard protocol na magsuot ng face mask, face shield, palagiang paghuhugas ng kamay at social distancing.
Niliwanag ni Roque na hindi pinahihintulutan ang mga menor de edad na pumasok sa mixed use indoor at outdoor establishments tulad ng mga shopping mall at iba pang eclosed na lugar dahil sa banta parin ng COVID 19.
Vic Somintac