Limitadong Face to Face classes, inirekomendang simulan na sa mga lugar na mababa ang kaso ng Covid-19
Iginiit ni Senador Imee Marcos na napapanahon nang buksan ang mga eskwelahan para sa face to face learning dahil sa bumababa na ang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ayon sa Senador, marami kasi siyang natatanggap na reklamo sa kasalukuyang sistema ng edukasyon sa mga pampublikong eskwelahan dahil nakokompromiso na ang kalidad ng edukasyon.
Marami aniya sa mga bata sa mga Public School ay wala naman natututunan dahil module lang ang ipinapasagot sa mga ito at walang guro na direktrang nagtuturo sa kanila.
Pero nilinaw ng Senador na maaari lang gawin ang face to face sa mga lugar na walang kaso o kakaunti ang Covid-19 cases.
Tulad aniya ng mga negosyo na unti-unting binubuksan, dapat ganito rin ang gawin sa mga eskwelahan para makasabay rin ang sektor ng edukasyon.
Meanne Corvera