Limitadong personal filing ng pleadings sa SC, pinayagan na
Maaari na ang limitadong personal filing ng mga pleadings sa Korte Suprema simula sa November 8 matapos ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila.
Sa memorandum circular na inisyu ni Chief Justice Alexander Gesmundo, sinabi na papayagan na ang personal filing sa Supreme Court.
Pero, mula lamang 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ang filing.
Tanging ang mga initiatory pleadings lang din gaya ng motions for extension of time to file petition, petition for review at iba pang original petitions na kailangan na magbayad ng docket fees ang maaaring ihain nang personal.
Ang ibang pleadings at court submissions ay dapat na isampa pa rin electronically alinsunod sa umiiral na e-filing guidelines.
Moira Encina