Lindol, naramdaman din sa Cordillera Region
Naramdaman sa itogon at iba pang bahagi ng cordillera region ang magnitude 7.0 na lindol.
Sa lakas ng pagyanig ilang mga gusali ang nasira, nagkaroon ng crack at halos matumba sa lakas ng lindol.
Isa ding sasakyan ang nabagsakan ng tipak ng mga bato at lupa galing sa kabundukan sa Atok Benguet ngunit walang naiulat na namatay.
Naramdaman din sa Itogon Benguet ang napakalakas na pag- alog ng lupa kung saan ay halos magsayawan ang mga poste ng kuryente sa lugar, habang umikot at bumaliktad ang mga sasakyan sa lakas ng pagguho ng lupa sa halos limang segundong tagal ng lindol .
Iniulat naman ng Office of the civil defense- CAR , nagkaroon ng crack ang gusali o kapitolyo sa lalawigan ng Kalinga.
Sarado din ngayon ang Kennon road, ilang bahagi ng Marcos highway at Halsema highway dahil sa nangkaroon ng pagguho ng lupa.
Agad naman ipinakalat ng LGU sa mga apektadong lugar ang kanilang mga tauhan para alamin pa ang ilang pinsala sa mga kalsada at gusali upang agad na maiulat sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Freddie Rulloda