Lindol update: magkakasunod na aftershocks, naramdaman
Naitala ang magkakasunod na aftershocks matapos ang malakas na pagyanig sa Calatagan, Batangas kaninang madaling araw.
Ang pinakamalakas na aftershock ay naitala bandang 4:57 AM na may Magnitude na 5.5 at 108 kilometers ang lalim.
Sa report ng PHIVOLCS, naramdaman ang aftershock sa maraming lugar sa intensity na gaya ng mga sumusunod:
Reported Intensities:
Intensity V – Calatagan, Batangas
Intensity IV – Balayan, Calaca & Mabini, Batangas
Intensity III – Quezon City; Makati City; Manila City; Tagaytay City & Naic, Cavite; Batangas City, San Pascual & Bauan, Batangas; Hermosa, Bataan
Intensity II – Lipa City, Batangas
Instrumental Intensities:
Intensity IV – Calatagan, Batangas
Intensity III – Calapan City, Oriental Mindoro; Plaridel, San Ildefonso, Calumpit & Malolos City, Bulacan
Intensity II – Marikina City; Las Pinas City; Pasig City; Batangas City, Batangas; Marilao, Pandi & San Rafael, Bulacan; Bacoor City & Carmona, Cavite; Dolores, Quezon
Intensity I – Quezon City; San Juan City; Infanta, Gumaca & Mulanay, Quezon
Main Quake
Samantala, mula sa naunang report na 6.7, bahagyang ibinaba ng PHIVOLCS sa Magnitude 6.6 ang unang pagyanig na naramdaman ganap na 4:48AM.
Nasukat ang eksaktong lalim nito sa 123 kilometro habang ang eksaktong lokasyon ay naitala sa 13.65N, 120.54E – 023 km S 26° W ng Calatagan (Batangas).
Narito naman ang naitalang lakas ng lindol:
Reported Intensities:
Intensity V – Calapan City & Puerto Galera, Oriental Mindoro; Sablayan and Magsaysay, Occidental Mindoro; Carmona & Dasmarinas City, Cavite
Intensity IV – Quezon City; Marikina City; Manila City; Makati City; Taguig City; Valenzuela City; Pasay City; Tagaytay City, Cavite; Batangas City & Talisay City,Batangas; San Mateo, Rizal;
Intensity III – Pasig City; San Jose del Monte City, Bulacan;
Instrumental Intensities:
Intensity V – Calapan City & Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity IV – Batangas City, Batangas; Carmona, Cavite; Calumpit & Plaridel, Bulacan
Intensity III – Quezon City; Marikina City; Pasig City; Las Pinas City; Muntinlupa City; Malabon City; Navotas City; San Ildefonso, Pandi, Malolos, San Rafael, andMarilao, Bulacan;
Intensity II – San Juan City; Dagupan City; Polillo, Quezon
Intensity I – Guinayangan, Quezon; Magalang, Pampanga; Iriga and Sipocot, Camarines Sur; Daet, Camarines Norte; Palayan City, Nueva Ecija; Iloilo City;Kalibo, Aklan; San Jose City, Antique; Bago City, Negros Occidental
Ang dalawang malakas na pagyanig ay nasundan pa ng mga mahihinang paglindol sa Calatagan na naitala sa Magnitude 1.7 hanggang Magnitude 3.
Walang pang iniuulat na pinsala ang lindol.
Nauna nang sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na hindi dapat mag-panic ang publiko dahil malalim ang pinagmulan ng lindol at hindi inaasahang makapagdudulot ng pinsala. (Basahin ang kaugnay na balita, click)