Lingap pamamahayag at lingap eskwela, isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Rizal
Magkasunod na nagsagawa ng lingap pamamahayag ang Iglesia Ni Cristo sa dalawang lugar sa lalawigan ng Rizal.
Partikular na isinagawa ito sa dako ng centennial sa Barangay Munting Dilaw sa lungsod ng Antipolo at sa dako ng Tinmark na sakop ng Barangay San Juan , Taytay, Rizal.
Ang nasabing lingap pamamahayag ay pinangunahan ni kapatid na Mayonel Taal, ang district minister ng Rizal.
Sa pag-aaral ng mga salita ng Diyos na sinasampalatayanan ng INC ay atentibong nakinig ang mga panauhing dumalo.
Pagkatapos nito ay isinagawa ang pamamahagi ng goody bags sa mga panauhin, na pinangunahan naman ito ng Rizal ministers’ wives.
Bukod sa lingap pamamahayag, nagsagawa rin ng lingap eskwela ang Iglesia Ni Cristo, namahagi ang Rizal ministers’ wives ng mga gamit pang eskwela sa mga bata sa nabanggit na lugar.
Labis naman ang pasasalamat ng mga nakinabang sa isinagawang lingap pamamahayag at lingap eskwela.
Ulat ni Aily Millo