Liquid items na hindi lalagpas sa 100ml ang sukat, pwede na sa MRT-3

Muling pinapayagan ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang pagpasok ng liquid items sa mga tren.

Pero ito ay sa kondisyong dapat hindi lalagpas sa 100 milliliters ang sukat ng mga liquid item na ipapasok sa MRT.

Kabilang sa mga papayagan ay tubig, gatas, pabango, lotion at iba pa basta’t pasok sa 100ml ang dami.

Magugunitang marami ang umalma sa mahigpit na seguridad sa MRT-3 dahil kahit kaunti lamang ang dalang likido ay hindi pa rin ito pinapayagan at kinukumpiska pa rin ng mga guwardya.

Ayon naman sa MRT-3 , ang mga nakumpiskang liquid items gaya ng pabango at lotion ay maaaring balikan ng mga pasahero sa istasyon kung saan ito nakumpiska para kanilang mabawi.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *