Liquor ban ipatutupad sa May 12 at May 13
Epektibo simula May 12 hanggang May 13 ang pagpapatupad ng 48 oras na Liquor ban.
Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac, kasama ito sa magiging gampanin ng mga pulis na may election duties na manmanan at bantayan ang mga posibleng mahuhuling may paglabag.
Ang naturang hakbang ay para matiyak na mapayapa at maayos ang gaganaping eleksyon sa Lunes.
Dahil dito, mahigpit na ipagbabawal ang pagbebenta ng anumang klase ng inumin na nakakalasing.
Magsisimula ang implementasyon ng liquor ban ganap na alas 12:01, Linggo ng madaling araw hanggang alas 12:00, Lunes ng madaling araw.
“Paalala natin sa ating mga kababayan, mayroon tayong ipaiiral na Liquor ban na 48 hours. One day before election day at mismong election day hanggang sa hatinggabi ng May 13. Bawal ang pagbebenta sa mga establishment ng mga inuming nakalalasing at bawal ding uminom ng alak dyans a bangketa, sa sari-sari store at kanto. Sundin natin ito upang hindi tayo madala sa presinto”.- Pol. Col. Bernard Banac, PNP Spokesperson