Listahan ng mga convicted sa heinous crime na napalaya sa GCTA law naisumite na sa Senado
Naisumite na ng Bureau of Corrections (Bucor) sa Senate Blue Ribbon Committee ang listahan ng mahigit 2,000 henious crime convicts na napalaya sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Sa listahan ng Bucor, sa 2, 160 na napalaya, mula noong 2014.
939 rito may kasong rape, 894 ang murder at 261 ang may drug violatons.
Kasama sa napalaya ang tatlo sa mga na convict sa magkapatid na Chiong sa Cebu, apat na Chinese drug convicts .
Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang muling pagpaparesto sa mga bilanggo dahil sa maling implementasyon ng batas.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: