Listahan ng mga Holidays para sa 2019, inilabas na ng Malakanyang

Ngayon pa lamang ay maaari nang iplano ng publiko ang kanilang mga bakasyon sa susunod na taon dahil inilabas na ng Malacañang ang listahan ng mga Regular at Special non-working holidays para sa susunod na taon.

Batay sa Proclamation Number 555 na nilagdaan ni Panuglong Rodrigo Duterte mayroong 10 regular holidays para sa 2019 habang mayroon namang 9 na special non-working holidays.

Ang mga regular holidays ay New Year’s day Araw ng Kagitingan, Maundy Thursday, Good Friday, Labor Day, Independence Day, National Heroes Day, Bonifacio Day, Christmas Day at Rizal Day.

Ang mga Special non-working holiday naman ay Chinese New Year, EDSA People Power Revolution Anniversary, Black Saturday, Ninoy Aquino Day, All Saints Day, mayroong karagdagang dalawang araw na special non working Holiday na November 2 at December 24.

Makakasama din sa Regular holidays ang Eidl Fitr at Eidl Adha pero ang eksaktong petsa nito ay itatakda pa ng National Commission on Muslim Filipinos dahil dedepende ito posisyon ng buwan o ibabase sa Islamic Astronomical Calculations.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *