Live selling puwede pa rin sa FB –Meta
Nilinaw ng parent company ng Facebook na Meta na maaari pa rin ang live selling sa nasabing social media platform.
Ito ay matapos na ianunsiyo ng kumpanya na ihihinto na sa Oktubre 1 ang Live Shopping feature ng FB.
Ayon sa Meta, ang Live Shopping feature ay hindi naman talaga naging available sa Pilipinas.
Maaari pa rin anilang gamitin ng sellers sa Pilipinas ang Facebook Live feature para mag-ere ng live events tulad ng live selling ng kanilang mga produkto.
Gayunman, hindi makagagawa ng product playlist o mag- tag ng produkto sa FB Live videos.
Sinabi ng Meta na tutuon na ito sa short-form video nito na Reels.
Hinimok ng kumpanya ang users na subukan na mag-eksperimento sa Reels at Reels ads sa FB at Instagram.
Moira Encina