Livelihood and Entrepreneurship program, inilunsad ng Taguig LGU
Isinagawa ang weaving basket pangkabuhayan ng lungsod ngTtaguig upang hikayatin ang komunidad na gumamit ng eco-friendly bayong bilang pamalit sa plastic habang namimili sa palengke o grocery store.
Sa kasalukuyan ay may sinasanay silang sampung kababaihan upang maging mahusay na basket weaving trainers at kapag natapos ay sila naman ang magbabahagi ng kaalaman sa trainers ng ibang barangay.
Mahirap daw talaga sa simula ang paggawa ng basket pero kapag natutuhan na ang tamang technique ay pwede nang gawin ng stay-at-home mothers habang ka- bonding ang mga anak.
Ayon kay Taguig Representative Lani Cayetano, hindi aniya malaki ang kita sa paggawa ng basket pero sa panahon nitong pandemyang Covid-19 ay kailangan ang sipag at tiyaga .
Ang kikitain dito ay maaaring maidagdag sa pang araw-araw na pangangailangan ng pamilya.
Virnalyn Amado/Archie Amado