Livelihood Package, ipinagkaloob ng DOLE-Cavite sa may mahigit 100 displaced worker sa lalawigan
Nasa isang milyong pisong halaga ng livelihood assistance ang ipinagkaloob ng DOLE Cavite Province sa may mahigit isangdaang mga displaced worker sa lalawigan na naapektuhan ang kanilang trabaho.
Laman ng pangkabuhayan pacakage na ipinagkaloob ng DOLE ay Bigasan, mayroon din itong Complete set of High-Speed Sewing Machine, Edging Machine; at GSIS Insurance.
Layunin ng proyektong ito ng makapagbigay ng alternatibong mapagkukunan ng labuhayan lalo na ang mga nawalan ng trabaho dahil sa Covid 19 pandemic.
Nais din ng DOLE at ng Cavite Provincial Gov’t na matiyak na magiging matagumpay at kumikita nang paunti unti ang ang pangkabuhayang ipinagkaloob sa mga nawalan ng hanapbuhay.
Ulat ni Jet Hilario