Livelihood program para sa mga recovering drug users, inilunsad ng US Embassy at UNODC

Kabuuang Php5 milyong piso ($100,000) ang ipinagkaloob ng Office of International Narcotics and Law Enforcement Affairs ng US Embassy para sa livelihood initiative sa mga recovering drug users.

Nakipag-tambalan ang US Embassy sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) para ilunsad ang dalawang taong programa.

Courtesy: UNODC

Ipatutupad ng isang civil society organization mula sa Central Luzon ang livelihood program.

Umaabot sa 12 lugar sa Luzon ang napili para sa pilot implementation ng programa.

Kabilang sa mga ito ang mga lungsod ng Caloocan, Makati, Marikina, Pasig, Quezon, Valenzuela, at Calamba.

Gayundin, ang mga lalawigan ng Palawan, Cavite, Tarlac, Ifugao, at Nueva Ecija. 
 
Ang nasabing inisyatiba ay bahagi ng mas malawak na programa ng embahada para ma-mitigate ang negatibong epekto ng COVID sa mga at-risk communities sa bansa.

Moira Encina

Please follow and like us: