Local farmers, nalulugi dahil sa talamak na vegetable smuggling
Umaaray na ang mga magsasaka sa La trinidad Benguet dahil sa nagpapatuloy na smuggling ng mga Agricultural product.
Sa pagdinig ng Senate committee of the whole sinabi ni Agot Balanoy ng Association of La trinidad vegetable trading areas na hindi natigil at talamak pa rin ang smuggling ng gulay.
Kung dati raw ang benguet ang nagsusuplay ng 70 percent ng demand sa gulay sa buong bansa pero dahil sa smuggling nagkaroon ng decline sa order tulad ng carrots na 20 hanggang 40 percent.
Bumagsak rin aniya ang presyo ng carrots.
Noong August – December 7 2021 , hanggang 95 ang presyo nito pero mula noong Enero hanggang ngayon nasa piso hanggang 35 pesos na lang sa wholesale.
Kaya ang mga carrots ipinamigay o itinapon na lamang.
Dahil dito aabot sa P 2.5 million ang nawalang kita sa mga magsasaka kada araw.
Sinisisi naman ng United Broiler Raisers Association ang Department of Agriculture dahil walang ginagawang paraan at hindi ipinapatupad ang batas kaya matindi ang smuggling.
Meanne Corvera