Local transmission ng Delta variant ng Covid-19, mahigpit na imomonitor ng IATF
Mahigpit na babantayan ng Inter-Agency Task force ang pagkakaroon na ng local transmission ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang sagot ng Malakanyang matapos kumpirmahin ng Department of Health na nagkaroon na ng 11 kaso ng local transmission ng Delta variant ng COVID-19 dahil mabilis itong makahawa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na kailangan ang ibayong pag-iingat ng publiko lalo na sa mga nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ayon kay Roque, dapat mahigpit na sundin ang ipinatutupad na minimum health standard protocol na Mask, Hugas, Iwas kasabay ng isinasagawag rollout ng anti-COVID-19 mass vaccination program ng pamahalaan.
Inihayag ni Roque, patuloy din ang mahigpit na pagpapatupad ng boarder control sa pagpasok sa Pilipinas ng mga Returning Overseas Filipino na mula sa mga bansang may malalang kaso ng Delta variant ng COVID-19.
Vic Somintac