Localized peacetalks mas pagtutuunan ng pansin ng Malakanyang kesa bumalik sa peace negotiation kasama ang matataas na opisyal ng CPP-NPA-NDF
Mas pinagtutuunan ngayon ng Malakanyang ang pagkakaroon ng localized peacetalks kesa sa muling pagbuhay sa usapang pangkapayapaan kasama ang mga opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na isa ito sa naging laman pinakahuling command conference sa Malakanyang.
Iginiit ni Panelo na hindi napag-usapan ang back chanelling talks kay CPP founder Jose Maria Sison.
Una nang itinanggi ng Malakanyang ang naging pahayag ni MTRCB board member Billy Andal na inatasan ito ng Pangulo para sa naturang backchanelling talks kay Sison.
Posible umanong puyat at inaantok lamang si Andal kung kayat inakala nitong inatasan siya ni Pangulong Duterte na magsagawa ng backchanelling talks sa komunistang grupo.
Binigyan diin ni Panelo hindi otorisado si Andal na makipag-usap sa CPP-NPA-NDF.
Ulat ni Vic Somintac