Look: Lumot sa Boracay
Nagsagawa ng clean up drive ang PNP kasama ang mga volunteers sa baybayin ng Boracay matapos na dumagsa dito ang napakaraming turista sa panahon ng mahabang holidays.
Dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakalat sa beach, higit na marami ang lumot na nakuha sa clean up drive kaysa sa mga kalat na naiwan ng mga tao.
Agad namang nilinaw ng mga awtoridad na natural lamang na mapadpad ang maraming lumot sa Boracay dahil sa malalakas na alon bunga ng nagdaang bagyo, na sinundan pa ng low tide.
Ayon sa mga residente, ang lumot ay hindi indikasyon na marumi ang tubig sa Boracay, sa halip ay ang mga ito pa anila ang dahilan kung bakit maputi at pino ang buhangin doon.
Nagiging kulay puti ang lumot kapag natuyo o na-decompose at nagiging puting pulbos na humahalo sa buhangin.