Los Angeles, dinaig ng Phoenix Suns
Walong sunod-sunod na pagkatalo na ang dinanas ng Los Angeles Lakers, kasunod ng pagwawagi ng Phoenix Suns sa kanilang paghaharap na nagtapos sa score na 115-105 nitong Biyernes.
Makaraang matalo ang lahat ng anim nilang pre-season games, nasundan ito ng isa pang hindi magandang performance ng Lakers noong Martes sa season-opening sa Staples Center.
Nagkaroon naman ng tensiyon sa first half kung saan nagpang-abot si Anthony Davis at Dwight Howard, nang mag-timeout.
Ang dalawa ay sinikap paghiwalayin ng ilang Lakers players gaya ni LeBron James.
Kalaunan ay sinabi ni Coach Frank Vogel, na miscommunication lamang ang nangyari.
Ayon kay Vogel . . . “Dwight and AD had a miscue on a coverage and they talked it out. When you’re getting your ass kicked, sometimes those conversations get heated. Those guys love each other, they talked it out. And that’s going to happen from time to time. I’d rather our guys care than not care.”
Sinabi rin ni Howard na naayos na nila ni Davis ang hindi nila pagkakaunawaan.
Aniya . . . “We squashed it right then and there. We’re both very passionate about winning and we didn’t want to lose this game. But we’re grown men, we got it out the way. We squashed it. There’s no issue between me and him, that’s my brother, my teammate.”
Nanguna ang Lakers sa pagsisimula ng 2nd quarter, ngunit natambakan sila ng Suns sa 3rd quarter sa pamamagitan ng 32-point lead.
Si Chris Paul ang nanguna sa Phoenix kung saan nakagawa ito ng 23 points at 14 assists, habang si Devin Booker ay nakapag-ambag ng 22 points at si Mikail Bridges ay nagdagdag ng 21 points.
Samantala, pinangunahan ni James ang Lakers sa pamamagitan ng 25 points, si Davis naman ay nagdagdag ng 22 points at 14 rebounds.
(AFP)