Los Angeles kumilos na para i-ban ang paggamit ng smartphone sa eskuwelahan
Pinagbotohan ng education bosses sa Los Angeles ang tungkol sa pagpapatupad ng isang total ban sa paggamit ng smartphones sa mga eskuwelahan sa lungsod.
Ang hakbang ay kasunod ng paghahayag ng suporta ng gobernador ng California, na siyang pinakapopular na estado sa Estados Unidos, para higpitan ang paggamit ng naturang device dahil sa lumalawak na pag-aalala sa epekto nito sa mental health ng mga kabataan.
Inatasan ng Los Angeles Unified School District (LAUSD) Board of Education, na siyang nangangasiwa sa ikalawang pinakamalaking school district sa bansa ang staff, na bumuo ng isang plano upang ipagbawal ang mga cell phone at social media sa buong panahon na nag-aaral ang mga bata.
Sinabi ng board member na si Nick Melvoin na siyang nagpanukala sa ban, “Schools that have…already implemented a phone-free school day report incredible results — kids are happier, they’re talking to one another, their academics are up. And so I really think this is an idea whose time has come.”
Binanggit sa resolusyon ang mga pananaliksik na nagpapakitang ang labis na paggamit ng cell phone ay may kaugnayan sa increased stress, anxiety, depression, sleep issues, feelings of aggression, at suicidal thoughts sa mga kabataan.
Ayon sa resolusyon, “eliminating phone and social media usage during the day has been shown to increase scores on standardized tests and final exams, gains that are equivalent to an additional hour of instructional time per week.”
Ang LAUSD vote, na makaaapekto sa 600,000 mga estudyante, ay ginawa makaraang magbabala ang US surgeon general, ang pangunahing doktor ng bansa, tungkol sa warning labels sa social media platforms, na aniya ay maaaring pagmulan ng isang mental health crisis.
Sa kaniyang sulat sa isang opinion piece sa New York Times ay sinabi ni Dr. Vivek Murthy “Adolescents who spend more than three hours a day on social media face double the risk of anxiety and depression symptoms. The average daily use in this age group, as of the summer of 2023, was 4.8 hours.”
Ilang oras bago ang LAUSD vote sa resolusyon, na nag-aatas sa staff na bumuo ng isang plano sa loob ng susunod na apat na buwan, ay nagpahayag ng kaniyang suporta si California Governor Gavin Newsom tungkol sa isang ‘state-wide effort’ upang pigilan ang paggamit ng smartphone ng ‘schoolchildren.’
Ayon kay Newsom, “As the Surgeon General affirmed, social media is harming the mental health of our youth. When children and teens are in school, they should be focused on their studies not their screens.”
Sa isang panukalang batas na nakabinbin sa California state legislature, nakasaad ang pag-aatas sa school districts na magpatupad ng mga hakbang na magbabawal o maglilimita sa paggamit ng mga estudyante ng cell phones habang nasa eskuwelahan.
Sabi pa ni Newsom na may apat na anak, “I look forward to working with the Legislature to restrict the use of smartphones during the school day.”
Sa Florida, ay ipinagbawal ng gobernador na si Ron DeSantis (na mahigpit na kalaban ni Newsom) ang paggamit ng mga estudyante ng cell phone noong isang taon.
Ang mga katulad na plano ay nakaamba na rin sa Oklahoma, Kansas, Vermont, Ohio, Louisiana at Pennsylvania.