Los Baños Laguna, isinalalim sa State of Calamity dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses

Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Los Baños sa Laguna dahil sa epektong dulot ng Bagyong Ulysses. 


Ang pagdedeklara ng state of calamity sa Los Baños ay batay na rin sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council nito.


Kahapon, linggo, Nobyembre 15 ay nagkaroon ng Special Committee Session ang Sangguniang Bayan ng Los Baños kung saan pinagtibay nito ang Resolution No. 2020-189 na nagdedeklara ng state of calamity sa Los Baños dahil sa pananalasa at pinsala ng kalamidad sa bayan.


Ayon sa Local Govt. Unit ng Los Baños, malaki ang pinsala na idinulot ng bagyo sa kanilang lugar.


Maraming tahanan ang nakararanas ng mga pagbaha, marami din umanong mga bumagsak na puno at nagkaroon pa ng pagguho ng lupa. 


Maging ang sektor ng pangisdaan at pagsasaka ay labis ding naapektuhan ng bagyong ulysses. 


Nanawagan naman ang lokal na pamahalaan ng Los Baños ng pagkakaisa sa mga nasasakupan nito upang muling maibangon ang kanilang bayan mula sa epekto na idinulot ng mga nagdaang bagyo.

Jet Hilario

Please follow and like us: