Love ko si Daddy

Mga kapitbahay, nitong nakaraang araw ay nakakuwentuhan natin si Ms. Rochelle Anne Guiuo na nagviral ang video dahil sa payong ibinigay ng kaniyang Daddy na isang seaman.

Alam n’yo po ba mga kapitbahay, sa loob lamang ng walong oras ay milyon na agad ang views and likes ng video? Kaya nga naitanong ko kay Chelle kung ano ba ang laman nang pinag-
usapan nilang mag-ama sa video?

Ang sabi niya, pinayuhan siya ni Daddy Rolly ukol sa pagiging matatag sa mga hamon ng buhay, lalo na sa heartaches. Palibhasa ay hindi naman ito ginagawa ng kaniyang ama kaya nga sobrang naantig ang kaniyang damdamin sa ginawang ito ng kaniyang ama.

Ama ni Ms. Chelle na seaman
Courtesy: Chelle Guiou

Natatak sa puso niya nang sabihin sa kaniya na maging positibo sa mga bagay-bagay, kung paano pihitin ang isang negatibong bagay sa pagiging positibo.

Sabi pa ni Chelle na matagal na niyang inaasam ang ganitong pag-uusap nila ng kaniyang tatay.
Aniya, posibleng maraming naka-relate o nakaunawa sa sitwasyon kung kaya marami ang nag like o nag view sa video.

Aminado si Chelle na hindi man maganda ang ugnayan nila nuon ng kaniyang tatay ay napawi ito kahit papaano. Dahil sa video naging mas okay aniya ang komunikasyon nila ngayon ng kaniyang daddy, mommy at dalawa pang kapatid.

Umaasa si Chelle na this year ay magkasama-sama silang pamilya at matupad ang inaasam ni Daddy Rolly na makapag family picture sila.

with her Father and sisters
Courtesy: Chelle Guiou


Message niya sa kaniyang daddy…thank you dad, kahit may pagkukulang kaman, ang tinitingnan ko ay may lesson itong ibinigay na dapat matutuhan. Kailangang maging matatag ako lalo na bilang panganay at hind maging marupok sa anumang hamon ng buhay.

Maraming salamat dad, at mag-iingat ka palagi!

At ‘yan mga kapitbahay ang bahagi ng ating kuwentuhan kay Ms. Rochelle Anne Guiou, isang teacher at content creator.

-30-

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *