Low self esteem at depression karaniwang dulot ng pimples sa mga teenagers ayon sa mga pag aaral
Naranasan ng maraming indibiduwal ang pagkakaroon ng pimples minsan sa kanilang buhay.
Ngunit, batay na rin sa mga eksperto, mas prone o mas karaniwan ang tigyawat sa mga teenager.
May lumabas ding pag aaral na may mga nakaranas ng Low self esteem at depresyon dahil sa pagkakaroon ng pimples.
Sa panig ng mga dermatologist, ang pimples ay maaari namang maiwasan kung alam lang ang tamang mga pamamaraan.
Isang simpleng paraan na itinuturo ng mga dermatologist ay ang paghihilamos gamit ang isang uri ng sabon.
Binigyang diin ng mga dalubhasa na bagaman ang tigyawat ay hindi seryosong sakit, dapat itong gamutin kaagad lalo na nga at madalas na magkaroon nito.
Ulat ni: Anabelle Surara