LPA at ITZC, binabantayan ng PAGASA
Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone .
Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 35 kilometers Northeast ng Dumaguete, Negros Oriental.
Ang nasabing LPA at ITZC ay maghahatid ng malakas na pag-ulan sa buong Visayas at sa mga rehiyon ng Mimaropa, Caraga, Northern Mindanao, Davao, at Zamboanga Peninsula.
Makararanas din ng hanggang katamtamang pag-ulan ang nalalabi pang bahagi ng Mindanao, Bicol Region, at Southern part ng Quezon.
Please follow and like us: