LPA na nakapasok na sa PAR, maliit ang tsansa na maging bagyo; Maalinsangang panahon patuloy na mararanasan sa malaking bahagi ng bansa
Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA na huling namataan sa 1,365 kilometers East ng extreme Northern Luzon.
Batay sa analysis ng PAGASA, mababa ang tsansa na ito ay maging isang bagyo sa susunod na 24 oras.
Posible ring malusaw ang sama ng panahon sa susunod na 48 oras habang nasa loob ng PAR.
Samantala, ngayong Huwebes ay Southwest Monsoon o Habagat pa rin ang nakakaapekto sa extreme Northern Luzon pero mahina lamang ito.
Dahil dito maalinsangang panahon ang mararanasan sa malaking bahagi ng Luzon na may tsansa ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Inaasahang papalo ng hanggang 36 degree celsius ang temperatura sa Tuguegarao, Cagayan habang 34 degress naman sa Metro Manila.
Ganito ring panahon ang iiral sa Visayas at Mindanao na may mga tsansa rin ng localized thunderstorms sa dakong hapon o gabi.