LPA na namataan ng PAGASA posibleng maging bagyo
Asahan na magiging maulan ang panahon ngayong araw dahil sa Low Pressure Area sa bahagi ng Eastern Visayas.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong apatnaraang pitumpung (470) kilometro Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Inaasahang lalakas pa ang naturang LPA at magiging ganap na bagyo.
Gayunman paglilinaw ng PAGASA, sa sandaling maging bagyo ay malabo namang tumama ito sa kalupaan ng bansa.
Samantala, ang hanging habagat naman ang magdadala ng pag-ulan sa Western section ng bansa kasama na ang Metro Manila.
Please follow and like us: