LPA na namataan sa Silangan ng Mindanao, inaasahang papasok sa Pilipinas ngayong weekend
Inaasahang papasok sa teritoryo ng Pilipinas ngayong weekend ang isang Low pressure area o LPA na nasa Silangang bahagi ng Mindanao.
Ayon sa Pag-Asa, may tsansang lumakas pa ang LPA habang papalapit ng bansa dahil kasalukuyan itong nasa karagatan.
Una nang sinabi ng Pag-Asa na posibleng maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA at papangalanang ‘Basyang’.
Samantala, ang isa pang LPA na binabantayan ng Pag-Asa sa loob ng bansa ay huling namataan sa 410 kilometrong Silangan-Hilagang-Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Malaki naman ang tsansa na malusaw ang nasabing LPA.
=== end ===
Please follow and like us: