LPA sa bahagi ng Mindanao, posibleng maging bagyo sa susunod na 48 oras – PAGASA
Nagdudulot ng mga pag-ulan sa mga rehiyon ng CARAGA at Davao ang binabantayang Low Pressure Area.
Sa 5:00 pm update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 185 kilometers Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Batay sa datos ng weather bureau, mataas ang tsansa na madevelop ito bilang bagyo sa susunod na 48 oras.
Ang LPA ay posibleng magdala ng mga pag-ulan sa Mindanao at sa Eastern Visayas mula ngayong gabi hanggang bukas.
Nakapaloob din ang LPA sa Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) na nagpapaulan naman sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Ngayong Linggo, asahan ang bahagyang maulap na papawirin na may tsansa ng mga pulu-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa buong bahagi ng Luzon.
Inaasahang papalo ng hanggang 32 degree celsius ang temperatura sa Metro Manila, Baguio ay hanggang 24 degrees, at Tuguegarao-34 degrees.