LPA sa Central Luzon posibleng maging bagyo
Posibleng maging bagyo ang low pressure area sa bahagi ng Central Luzon.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang lpa sa 1,325 kilometers silangan ng gitnang luzon.
Gayunman, nilinaw ng weather bureau na wala pang direktang epekto sa bansa ang sama ng panahon.
Samantala, ang lpa naman na nasa 365 kilometers kanluran ng Calayan, Cagayan ay inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsiblity ngayon o hanggang mamayang gabi.
Ngayong araw, maulap na papawirin na may manaka-nakang pag-ulan ang umiiral sa Pangasinan, Zambales at Bataan dulot ng Southwest monsoon o habagat habang ang Metro manila at nalalabing bahagi ng bansa ay bahagyang maulap ang papawirin na may kalat-kalat rin na pag-ulan dulot rin ng habagat at localized thunderstorms.
Nagbabala rin ang pagasa sa posibleng landslide at flashfloods kung may malakas na thunderstorms.
PAGASA – DOST