LPA sa labas ng PAR, posibleng pumasok sa bansa sa weekend
Patuloy na mimonitor ng PAGASA ang Low Pressure Area na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa weather bureau, huling namataan ang LPA sa 2,110 kilometers Silangan ng Mindanao.
Inaasahang pagdating ng Linggo o Lunes ng susund na linggo at papasok sa PAR ang sama ng panahon.
Samantala, patuloy naman ang pag-iral ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao.
Habang sa Luzon at Visayas ay maaliwalas pero mainit at maalinsangang panahon ang iiral maliban na lamang sa dakong hapon o gabi na may mga biglaang pagbuhos ng ulan dahil sa thunderstorms.
Inaasahang papalo sa 35 degree celsius ang pinakamataas na temparatura ngayong araw sa Metro Manila at 39 degrees naman sa Tuguegarao, Cagayan.